Welcome to Panitikan Section..

Sunday, April 29, 2012

Pagkakataong Walang Pagkakataon

By: Mark Ronnel Camilon

Nang una kang nasilayan ng aking gunita
Hindi na maiwasang hindi ka madama
Sa mga panahong may pagkakataon
Ang puso ko’y lagi kong itinutuon

Ngunit sa oras na ako’y lumalapit
Lalo kong nararamdaman pait sa damdamin
Mundong pinagiba ng panahong iresponsable
Paano bang matulog ng gising, talagang imposible

Eto ka nanaman sa akong tabi
May puwang pa bang nalalabi?
Ang puso kong di marunong lumimot
Takot ng maging masalimuot

Tadhana kong ako ang may hawak
Sana’y ang puso’t isipan ko’y lumawak
Pag-ibig kong walang hanggan
Hindi alam ang patutunguhan

Pagsintang palagi kong pinipigilan
Sana’y wala akong panghinayangan
Ang damdamin kong palaging umaasa
Tugon mo sana’y “Ako ang iyong hantungan”

Photo by: Jonathan Mapula

Friday, March 30, 2012

Pag-ibig ni Adan

by : Engr. Oliver Noriega

Si Adan,
... singkit ang mata, matipuno ang katawan,
... daming lihim, daming agam-agam,
Di natin alam,
... si Adan malapit ng mag-paalam.

Labingwalong taong gulang na,
... di pa nakakapasok sa eskwela,
... di marunong sumulat,di marunong bumasa,
Tanging alam,
... magtanim, magbenta ng kalabasa.

Isang araw sa palengke,
... may bumili, isang babae,
... maputi siya at maganda,
... katangiang hinahanap ng katulad niya,
Agad n’yang ibinigay kanyang kalabasa,
... Libre. 

Ikalawang araw,
... bumalik ang babae,
Gusto n’yang itanong, kanyang pangalan,
subalit tulad ng iba,
... mahiyain, torpe.

Ikatlong araw,
... bumalik and dalaga,
Tulad ng dati,
... mahiyain,
... torpe.
Nagbayad ang babae sabay paalam.

Halos walong ulit siyang bumalik
Ganun pa rin
... Kawawang Adan, ala pa ring  nasabi

Sadyang mapag-impok si Adan
Tinatago niya, lahat ng pinagbentahan.
Ngunit sadyang mapaglaro ang kapalaran
si Adan, tuluyan ng ngapaalam.
Muling bumalik ang babae sa tindahan
Pilit niyang hinahanap ang paninda ni Adan
Di nag dalawang isip
... Si Adan kanyang pinuntahan
Ngunit huli ang lahat
... Si Adan, nasa malamig niyang hantungan.

Tanging kanyang ina, ang sa kanya’y sumalubong
... sabay guhit ng luha sa kanyang pisngi at nagtanong:
   “Nabasa po ba niya isinulat ko sa pera”

... Alam ni Inay, kung saan nakatago pera ni Adan
At duo’y kanyang nakita, pangalang Eva.
At sa lahat ng  natitirang pera’y nakasulat
   “Puwede ba kitang mapangasawa?”
... Hanggang sa kahuli-hulihang pera.

Makita man ni Adan, sulat ni Eva
Di rin niya maiintindahan
wika sa puso ni Eva
sa isip ni Adang puro kalabasa.



Tuesday, May 24, 2011

Love Text

by:Terranya M. Tiamson

Minsan isang araw
nagtext, nagtanong, nagpakilala
nagreply,nagtanong,nagpakilala rin naman
Lumipas ang araw, naging magkaibigan
nagdadamayan,nagtatawanan,nagtatawagan

Lumipas ang buwan
lalong nagkapalagayan
nangakong magkikita ngunit di natuluyan
kapwa umasaam na sanay magtagal ang pagkaka-ibigan
at magkita ng harapan

Di pa man ay nagkahayagan
damdaming higit pa sa isang magkaibigan
nagtext, bakit di subukan
at nagkaroon ng unawaan

Lumipas ang ilan pang buwan
nawalan ng load upang magtext man lang
dumalang ang araw ng pagtatawagan
hanggang magtext upang magpaalam
sayang na pag-ibig, hangang sa text lamang