Welcome to Panitikan Section..

Tuesday, May 24, 2011

Kalikasan

Hangin..
akong nagpupuyos sa malakas na unos
isang mahinahong amihan
di papipigil, di pagagapos
Bundok..
akong matatag at mataas sa gitna ng patag
kublihan at kanlungan
di matitinag, di malilirip
Dagat..
akong taglay na lawak ng pag-iisip
nauunawaan ang buhay kahit maliit
malaya, malinis
Ulap..
akong nagbibigay lilim sa tag-init
dekorasyon sa bughaw na langit
di malililok, di maabot
Apoy..
akong nag-aalimpuyo sa alab ng galit
naglalagablab sa init ng pag-ibig
malaya, mainit

>>Terranya Tiamson
Photo by: Jonathan Mapula (BSCS Alumni)

No comments:

Post a Comment