Welcome to Panitikan Section..

Friday, March 30, 2012

Pag-ibig ni Adan

by : Engr. Oliver Noriega

Si Adan,
... singkit ang mata, matipuno ang katawan,
... daming lihim, daming agam-agam,
Di natin alam,
... si Adan malapit ng mag-paalam.

Labingwalong taong gulang na,
... di pa nakakapasok sa eskwela,
... di marunong sumulat,di marunong bumasa,
Tanging alam,
... magtanim, magbenta ng kalabasa.

Isang araw sa palengke,
... may bumili, isang babae,
... maputi siya at maganda,
... katangiang hinahanap ng katulad niya,
Agad n’yang ibinigay kanyang kalabasa,
... Libre. 

Ikalawang araw,
... bumalik ang babae,
Gusto n’yang itanong, kanyang pangalan,
subalit tulad ng iba,
... mahiyain, torpe.

Ikatlong araw,
... bumalik and dalaga,
Tulad ng dati,
... mahiyain,
... torpe.
Nagbayad ang babae sabay paalam.

Halos walong ulit siyang bumalik
Ganun pa rin
... Kawawang Adan, ala pa ring  nasabi

Sadyang mapag-impok si Adan
Tinatago niya, lahat ng pinagbentahan.
Ngunit sadyang mapaglaro ang kapalaran
si Adan, tuluyan ng ngapaalam.
Muling bumalik ang babae sa tindahan
Pilit niyang hinahanap ang paninda ni Adan
Di nag dalawang isip
... Si Adan kanyang pinuntahan
Ngunit huli ang lahat
... Si Adan, nasa malamig niyang hantungan.

Tanging kanyang ina, ang sa kanya’y sumalubong
... sabay guhit ng luha sa kanyang pisngi at nagtanong:
   “Nabasa po ba niya isinulat ko sa pera”

... Alam ni Inay, kung saan nakatago pera ni Adan
At duo’y kanyang nakita, pangalang Eva.
At sa lahat ng  natitirang pera’y nakasulat
   “Puwede ba kitang mapangasawa?”
... Hanggang sa kahuli-hulihang pera.

Makita man ni Adan, sulat ni Eva
Di rin niya maiintindahan
wika sa puso ni Eva
sa isip ni Adang puro kalabasa.



No comments:

Post a Comment