By: Mark Ronnel Camilon
Nang una kang nasilayan ng aking gunita
Hindi na maiwasang hindi ka madama
Sa mga panahong may pagkakataon
Ang puso ko’y lagi kong itinutuon
Ngunit sa oras na ako’y lumalapit
Lalo kong nararamdaman pait sa damdamin
Mundong pinagiba ng panahong iresponsable
Paano bang matulog ng gising, talagang imposible
Eto ka nanaman sa akong tabi
May puwang pa bang nalalabi?
Ang puso kong di marunong lumimot
Takot ng maging masalimuot
Tadhana kong ako ang may hawak
Sana’y ang puso’t isipan ko’y lumawak
Pag-ibig kong walang hanggan
Hindi alam ang patutunguhan
Pagsintang palagi kong pinipigilan
Sana’y wala akong panghinayangan
Ang damdamin kong palaging umaasa
Tugon mo sana’y “Ako ang iyong hantungan”
Photo by: Jonathan Mapula
No comments:
Post a Comment