by:Terranya M. Tiamson
Kinakalawang na lata
syang katulong sa hanap-buhay
tugon sa samo
iilang peseta..
Karton sa bangketa
kanlungan kung dilim
plastik o dyaryo
kublihan kung taglamig..
Pagkain sa basura
hinahalikwat kung pasal na
mumo man at panis na
pamawi sa gutom nila..
Pamamaluktot sa sakit
iniinda nang pilit
kitlin na ang paghinga
lunas nyang nais
(published at the University of Batangas Advo Folio 2001)
Kinakalawang na lata
syang katulong sa hanap-buhay
tugon sa samo
iilang peseta..
Karton sa bangketa
kanlungan kung dilim
plastik o dyaryo
kublihan kung taglamig..
Pagkain sa basura
hinahalikwat kung pasal na
mumo man at panis na
pamawi sa gutom nila..
Pamamaluktot sa sakit
iniinda nang pilit
kitlin na ang paghinga
lunas nyang nais
(published at the University of Batangas Advo Folio 2001)
No comments:
Post a Comment