by:Terranya M. Tiamson
Paru-paro ka.
Paru-paro kang bumighani sa akin at
ang kasimplihan ng ‘yong kulay
ang nagpapatingkad sa aking damdamin
Subalit sa kabila ay may natatago kang lihim
ang kamandag mong mabagsik,
ang kalasag mong malupit at
wala kang takot,.....wala.
Pangahas kang pumasok
sa gitna ng hardin.
Mayabang na ipinamalas ang
angkin mong galing.
Ano pa’t ang mga rosas na may
‘sanlibong tinik ay yumukod sa ‘yong pilit.
Inialay nilang lahat subalit iniwan mo’y sakit.
Hapdi at kirot binalewala mong lubos.
At nagmamadali kang lumipad,
tumakas, iniwan ang ginawa mong batas.
Kayat ‘wag kanang magsalita,
wala ka nang maipagkakaila,
sa mapagmasid kong mata ay
wala kang maitatago...wala.
Totoong nakakabighani ang ‘yong
ganda’t lakas subalit isa kang huwad.
wala kang taglay na tapang,
isa kang malaking kahinaan,
isang malaking karuwagan.
Paru-paro ka.
Paru-paro kang bumighani sa akin at
ang kasimplihan ng ‘yong kulay
ang nagpapatingkad sa aking damdamin
Subalit sa kabila ay may natatago kang lihim
ang kamandag mong mabagsik,
ang kalasag mong malupit at
wala kang takot,.....wala.
Pangahas kang pumasok
sa gitna ng hardin.
Mayabang na ipinamalas ang
angkin mong galing.
Ano pa’t ang mga rosas na may
‘sanlibong tinik ay yumukod sa ‘yong pilit.
Inialay nilang lahat subalit iniwan mo’y sakit.
Hapdi at kirot binalewala mong lubos.
At nagmamadali kang lumipad,
tumakas, iniwan ang ginawa mong batas.
Kayat ‘wag kanang magsalita,
wala ka nang maipagkakaila,
sa mapagmasid kong mata ay
wala kang maitatago...wala.
Totoong nakakabighani ang ‘yong
ganda’t lakas subalit isa kang huwad.
wala kang taglay na tapang,
isa kang malaking kahinaan,
isang malaking karuwagan.
No comments:
Post a Comment